Kelot bigo sa tangkang pagholdap sa convenience store

MANILA, Philippines — Binigo ng nakaa­lertong mga pulis ang tangkang panghoholdap ng isang lalaki sa isang convenience store sa lalawigan sa kahabaan ng Manila East Road,Binangonan, Rizal.

Kinilala ang suspek na si alias Joel, 45, na naaresto ng mga nagpapatrulyang pulis malapit sa 7/11 convenience store sa Barangay Pag-asa nitong Miyerkules ng alas-11:43 ng gabi.

Sa ulat,pumasok ang suspek sa nasabing tindahan at nagpanggap na customer at tinutukan ng kalibre 22 baril ang store crew na si Jose Barnes III, 19, na nasa counter table.

Nang ito ay makita ng store manager na si Philip Abenoja ay tinulungan nito ang kasama at inagaw ang baril ng suspek na nakatawag atensyon sa mga nakatambay sa lugar.

Nang makita ang nagpapatrulyang pulis ay tinawag nila ito na nag­resulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Show comments