Bodega ng paputok sumabog: 2 todas, 6 sugatan

Ayon kay Mayor Dennis Hain, kapwa tauhan ng pagawaan ng paputok ang dalawang namatay habang dinala sa ospital ang mga sugatan kabilang ang isang bata.
File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang patay habang anim ang iniulat na nasugatan matapos na masunog ang bodega ng isang pagawaan ng paputok kahapon sa Brgy. Bigaa, Cabuyao, Laguna.

Ayon kay Mayor Dennis Hain, kapwa tauhan ng pagawaan ng paputok ang dalawang namatay habang dinala sa ospital ang mga sugatan kabilang ang isang bata.

Lumilitaw na isang malakas na pagsabog ang nangyari dakong alas-5:30 ng hapon na sinundan ng pagsiklab ng apoy.

Inutos naman ni Hain sa mga drug stores ang pagbibigay ng medical assistance sa mga biktima.

Agad na naapula ang sunog at wala namang nadamay na iba pa.

Tiniyak ni Hain na walang aalalahanin ang pamilya ng mga biktima.Ang mahalaga aniya  mailigtas ang buhay ng  mga sugatan.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection upang malaman kung may kapabayaan ang may- ari ng factory.

Show comments