382 seniors na edad 80-100, tumanggap ng ayuda sa Nueva Vizcaya
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tumanggap ng tulong pinansyal ang mga senior citizen na nasa edad 80 pataas sa bayan ng Dupax del Norte sa lalawigang ito, kahapon.
Ayon kay Mayor Timothy Joseph Caytoy, ang mga benepisyaryo na nabigyan ng P1,000 ay binubuo ng mga octogenarians o nasa edad 80 pataas at ang mga nonagenarians o may edad 90 pataas.
Isang centenarian naman ang tumanggap ng P30,000 mula sa LGU Dupax del Norte, P100,000 mula sa provincial government at karagdagang P100,000.00 mula naman sa national level.
Ang nasabing tulong sa mga may edad 80 pataas ay bahagi ng ordinansa na ipinasa ng local na pamahalaan ng Dupax del Norte para mabigyan ng karagdagang tulong ang mga octogenarians, nonagenarians at cenenarians sa nasabing bayan.
Sinabi ni Cayton na inihain din sa Sangguniang Bayan ang ordinansa matapos hilingin na maisali ang mga nasa edad 70 na mabigyan din ng tulong pinansyal sa susunod na pamamahagi ng LGU.
Samantala, patuloy ang pamamahagi ng Dupax del Norte LGU ng tulong pinansyal para naman sa mga rice farmers sa nasabing bayan.
Ito ay bilang bahagi ng Local Rice Farmers’ Financial Assistance para sa programang Magsasaka Haligi ng Bayan (MAHABA) para matulungan ang mga magsasaka dahil sa pagtaas ng mga farm inputs.
- Latest