‘Drug dealer’ huli sa P.5 milyong shabu buy-bust

Kinilala ang suspek sa alyas “Andot”, nasa hustong gulang at nasa listahan ng mga High Value Individual na target ng pulisya, at residente ng nasabing lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines - Arestado ang isa umanong kilabot na drug dealer at tulak ng shabu sa inilatag na drug operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Burol 3, Dasmariñas City.

Kinilala ang suspek sa alyas “Andot”, nasa hustong gulang at nasa listahan ng mga High Value Individual na target ng pulisya, at residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-8:40 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Drug Enforcement Unit ng Dasmariñas City Police sa pangunguna ni P/Captain Gil Gammad, chief Intel laban sa suspek.

Narekober sa suspek ang may 7-selyadong transparent plastic sachet na naglalaman ng mga shabu na aabot sa mahigit  65 gramo at may halagang P442,000.

Napag-alaman na ang suspek ang nagsu-supply ng illegal na droga sa mga pusher sa kanilang lugar at karatig bayan.

Show comments