2 karnaper arestado sa Rizal at Laguna

Kinilala ni Col. Rommel Estolano, Highway Patrol Group-Calabarzon director, ang mga naa­restong suspek na sina John Carlo Orfalas, 31, ng Barangay Darangan,­ Binangonan, Rizal; at Villarante Jerimy, alias Keleng, ng Santa Cruz, Laguna na pawang mga number 5 Most Wan­ted Person sa Rizal at Laguna na inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong carnapping na inisyu ni Presi­ding Judge Iluminado Dela Pea, Regional Trial Court, Branch 28, Santa Cruz, Laguna; at Judge Maria Lynn Laborte-Andal, Presiding Judge of RTC Branch 139, Antipolo City, Rizal.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

MANILA, Philippines — Dalawang karnaper ang inaresto sa isinagawang anti-carnapping ope­rations sa lalawigan ng Rizal at Laguna.

Kinilala ni Col. Rommel Estolano, Highway Patrol Group-Calabarzon director, ang mga naa­restong suspek na sina John Carlo Orfalas, 31, ng Barangay Darangan,­ Binangonan, Rizal; at Villarante Jerimy, alias Keleng, ng Santa Cruz, Laguna na pawang mga number 5 Most Wan­ted Person sa Rizal at Laguna na inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong carnapping na inisyu ni Presi­ding Judge Iluminado Dela Pea, Regional Trial Court, Branch 28, Santa Cruz, Laguna; at Judge Maria Lynn Laborte-Andal, Presiding Judge of RTC Branch 139, Antipolo City, Rizal.

Sinabi ni Estolano na si Orfalas ay ina­resto ng mga element ng HPG-Rizal operatives sa Manila East road Tower Hills Subdivision, Barangay Dolores, Taytay, Rizal habang si Jerimy ay naaresto ng mga ope­ratiba ng HPG-Laguna sa National Highway, Barangay Bubukal, Santa Cruz, Laguna.

Show comments