MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang munisipalidad ng Sarangani, Davao del Sur nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang epicenter ng lindol ay naitala sa kanluran ng Balut Island, sa munisipalidad ng Sarangani. May lalim itong 36 kilometro.
Naramdaman ang Intensity II ng lindol sa General Santos City, at Malapatan sa Sarangani.
Samantala, naitala rin ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na instrumental intensities: Intensity III – City of General Santos; Intensity II - Alabel, Sarangani at T’Boli, South Cotabato; Intensity I – Don Marcelino, Davao Occidental; Malapatan at Maitum, Sarangani Lake Sebu, South Cotabato.
Walang inaasahang aftershock o pinsala kasunod ng lindol.