^

Probinsiya

13 aksidente naitala sa loob ng 1-araw sa Quezon

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Umaabot sa 13 insidente ng aksidente sa daan ang naitala sa loob lamang ng isang araw sa kasagsagn ng preprasyon sa selebrasyon ng Pasko sa lalawigan ng Quezon.

Sa ulat kahapon, nasa 13 katao ang nasu­gatan sa mga road accidents na naganap sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Quezon province nitong Sabado.

Ayon sa Quezon Provincial Police Office, tatlong insidente ang naganap sa Lucena City, tig-dalawa sa Tiaong, Atimonan at Gumaca habang tig-isa sa mga bayan ng Plaridel, Tagkawayan, Candelaria at Lopez.

Kabilang sa mga sangkot na sasak­yan sa mga banggaan ay mga motorsiklo, kotse, truck at bus sa iba’t ibang bayan kung saan nai-record ang mga road accidents na nagsimula ng umaga hanggang gabi ng Sabado.

Sa Plaridel, 9 na katao kabilang ang driver, dalawa sa Lucena at tig-isa sa Candelaria at Pagkawayan ang nasugatan sa salpukan ng mga sasakyan, at kasalukuyang ginagamot sa mga ospital.

Sinabi ng pulisya na ang sanhi ng aksidente ay human error, self inflicted at nawalan ng kontrol sa manibela dahil sa basang highway, pag-ulan, at kadiliman sa binabagtas na lugar.

Pinapayuhan ng Quezon authorities at Highway Patrol Group-Calabarzon ope­ratives ang publiko particular ang mga motorista, biyahero, bakasyunista at mga drivers na mag-ingat sa pagmamaneho sa mga pangunahing lansangan upang makaiwas sa aksidente.

ATIMONAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with