Bagong minister suportado ng BARMM employees

COTABATO CITY, Philippines — Tiniyak nitong Huwebes ng mga kawani ng Bangsa­moro local government ministry ang kanilang suporta sa peace and deve­lopment programs ng kanilang bagong talagang minister, katulad din ng kanilang ipinaabot sa pinalitan nitong bumitaw na sa puwesto.

Maliban sa pagiging tagapamuno ng Ministry of the Interior and Local Govern­ment-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, ang abogadang si Sha Elijah Dumama Alba ay kasapi rin ng BARMM parliament na may 80 na mga mi­yembro.

Siya ay itinalagang local government minister ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim kasunod ng pag-resign sa naturang pwesto ng abugadong si Naguib Sinarimbo dalawang linggo na ang nakakalipas.

Nagpahayag nitong Huwebes sa mga repor­ters dito sa Cotabato City ang mga kawani ng MILG-BARMM sa anim na pro­binsya at tatlong lungsod sa autonomous region ng kanilang kooperasyon sa pamamalakad ni Alba ng naturang ahensiya.

Ayon sa mga em­pleyado ng MILG-BARMM, kabilang sa kanila ang mga provincial directors ng ministry, aalalayan din nila si Alba sa pamamahala nito ng Bangsamoro Rapid Emergency Action on D­saster Incidence na binubuo ng mga bihasang mga rescuers at mga calamity responders na may mga ambulansya at mga rescue vehicles.

Show comments