MANILA, Philippines — Dalawang pawikan ang napadpad sa dalampasigan ng Gumaca, Quezon sa loob lamang ng isang araw.
Isang Hawksbill Turtle at isang Green Sea Turtle ang nakita ng isang mangingisda na nasa loob ng baklad at may nakasabit na lambat sa Sitio Lupak Brgy. Camohaguin kamakalawa.
Itinurn-over ang mga ito sa Municipal Agriculture Office (MAO) at pagkatapos ay sinuri at ginamot saka pinakawalan patungo sa kanilang tahanan.
Ayon kay Carla Añonuevo ng MAO, sa sobrang lakas ng alon ay napadpad ang mga pawikan paibabaw at delikado sa kanila ang mapasabit sa mga baklad na maaari nilang ikamatay kung hindi sila agad na makikita at maisasalba.