^

Probinsiya

Magtatay pinatay ng kaanak dahil sa lupa

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magtatay pinatay ng kaanak dahil sa lupa
Kapwa dead-on-the spot dahil sa malalalim na taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mag-amang sina Joselito Ebio Jarabejo, 63; at Joshua, 23, kapwa magsasaka at residente ng naturang lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng mag-ama sa kamay ng sariling kaanak matapos pasukin at pagtatagain sa kanilang bahay sa Brgy. Pawik, Magallanes, Sorsogon, kamakalawa ng gabi.

Kapwa dead-on-the spot dahil sa malalalim na taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mag-amang sina Joselito Ebio Jarabejo, 63; at Joshua, 23, kapwa magsasaka at residente ng naturang lugar.

Kinasuhan na ng double murder ang tumakas na  suspek na si Jayson Jerao Jarabejo, 32.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang biglang pumasok ang suspek na armado ng itak.

Bago pa nakakilos ang mag-ama ay walang kaabug-abog at bigla silang pinagtataga ng suspek na kapwa duguang humandusay.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng alitan sa lupang sinasaka ang dahilan nang pamamaslang.

vuukle comment

EBIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with