P42.6 milyong puslit na gulay, nasabat sa Subic

Subic Bay
Philstar.com / Kristofer Purnell

SUBIC BAY FREEPORT, Philippines —Umaabot sa P42.6 milyong halaga ng smuggled vegetables na sakay ng 9 na 40-footer container truck ang nasabat ng pinagsanib na pu­wersa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Bureau of Customs (BOC)-Port of Subic.

Personal na dinaluhan ni SBMA Chairman and Administrator Jonathan Tan, ang inspeksyon sa terminal ng container sa Freeport na kung saan 9 na containers ay idineklara bilang mga frozen lobster ball, na naka-consign sa Rianne Food Products.

Ayon kay Tan, ang nasabat na kargamento ay dumating noong Nob­yembre 3 mula sa bansang China na idineklara  ang mga shipment na naglalaman ng hindi bababa sa 40,000 karton ng mga frozen lobster balls.

Natuklasan ng SBMA at ng BOC na ang mga shipment ay naglalaman ng sariwang patatas, karot, labanos, at broccoli na nagkakahalaga ng mahigit 42.6 milyong piso.

Bunsod nito, kinumpis­ka ang mga puslit na gulay, alinsunod sa ma­ling idineklarang shipment. May anim na iba pang container ang nakapangalan pa rin sa kaparehong kompanya.

Show comments