MANILA, Philippines — Simula alas-12:00 ng madaling araw ngayong Nobyembre 8 ay maaari nang daanan nang libre ng mga motorista ang bagong tayo na Silang (Aguinaldo) Interchange, ayon sa MPCALA Holdings Inc. (MHI), ang concessionaire para sa Cavite Laguna Expressway (CALAX).
Ang nasabing interchange na may habang 3.9 kilometro na may 2x2 subsection ng expressway ay magbibigay ng ginhawa sa paglalakbay at inaasahang magiging daan para mapalakas pa ang lokal na ekonomiya.
“We’re thrilled about this CALAX expansion, which will not only make life easier for our motorists but also boost the local economy. By providing a quicker and more convenient route to popular destinations in Cavite, we’re creating opportunities for businesses to thrive and for families to make the most of their time together,” ani Raul Ignacio, president at general manager ng MHI.
Ang Silang (Aguinaldo) Interchange ay malaking papel ang magagawa upang mapaluwag ang mga abalang highway sa Cavite, sa mas mabilis na ruta patungo sa mga tourists destination sa Silang at Tagaytay City.
Patuloy pa ang pagpapalawak ng CALAX ng mga proyektong aabot sa 45 kilometro pagsapit ng 2024.
Sa kasalukuyan, sumasaklaw ang mga segment ng pagpapatakbo nito mula Mamplasan Rotunda hanggang Silang East Interchange.