^

Probinsiya

2 pulis na ‘wanted’ natimbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 pulis na ‘wanted’ natimbog
Sa ulat ni De Leon kay PNP chief General Benjamin Acorda Jr., si Balderas ay sumasailalim sa pagsasanay sa Police Regional Office 2, sa Camp Marcelo A Adduru, Dadda, Tuguegarao City, Caga­yan Valley, nang ­arestuhin noong Oktubre 5.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kinilala ni IMEG Director Police Brig. Ge­neral Warren de Leon ang mga dinakip na sina Pat. Adrian France Balderas at Cpl. Jayvee Rommel A ­Vicencio.

Sa ulat ni De Leon kay PNP chief General Benjamin Acorda Jr., si Balderas ay sumasailalim sa pagsasanay sa Police Regional Office 2, sa Camp Marcelo A Adduru, Dadda, Tuguegarao City, Caga­yan Valley, nang ­arestuhin noong Oktubre 5.

Ang pag-aresto kay Balderas ay base sa bisa ng warrant of arrest sa paglabag sa Sec 5 (1) ng RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act matapos ireklamo ng kanyang da­ting nobya ng pananakit at pang-aabuso.

Ang pagkakadakip naman kay Vicencio na AWOL o (Absent Without Official Leave) ay base rin sa arrest warrant na inilabas ng korte nitong Oktubre 9 sa San Isidro, Montalban, Rizal sa kasong pagpatay kay Patrolman Jefferson Valencia noong Hulyo 4, 2022 sa Caloocan City, at paglabag sa RA 10591 o Illegal Possession of Firearms kaugnay ng Comelec gun ban.

Nakuha kay Vicencio ang isang caliber .45 pistol na expired ang registration at nakapangalan sa ibang tao.

IMEG

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with