Binata patay sa taga ng kainumang bebot

Ang biktima na halos humiwalay na ang ulo sa leeg dahil sa matinding pagkakataga ay kinilalang si Reneboy Llano, 22, residente sa nasabing lugar samantalang naaresto naman ang suspek na si Edna Monteclaro, may sapat na gulang at residente ng Barangay Pinagkamaligan, Calauag, Quezon.
STAR/ File

CALAUAG, Quezon , Philippines — Patay agad ang isang binata makaraang tagain ng nakainumang babae sa Barangay Sumilang ng bayang ito, kamaka­lawa ng gabi.

Ang biktima na halos humiwalay na ang ulo sa leeg dahil sa matinding pagkakataga ay kinilalang si Reneboy Llano, 22, residente sa nasabing lugar samantalang naaresto naman ang suspek na si Edna Monteclaro, may sapat na gulang at residente ng Barangay Pinagkamaligan, Calauag, Quezon.

Ayon sa imbestigas­yon, habang nakikipag-inuman sa iba nilang mga kaibigan ang biktima at suspek dakong alas-8:00 ng gabi ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo.

Nang matapos umano ang inuman, naglakad papauwi ang biktima subalit sinundan siya ng babae saka inundayan ng taga sa leeg.

Sa himpilan ng pulisya, inamin umano ng babae na kasama niya sa pagpaslang sa biktima ang anak niyang si Jonathan na ngayon ay tinutugis na ng mga pulis.

Show comments