3 empleyado, 1 pang kasabwat huli sa pagnanakaw sa gasolinahan

Ayon sa ulat ni PCol. Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, nagsagawa ng surveillance operation dakong alas-10:00 ng gabi ang mga tauhan ng Quezon Provincial Intelligence Unit at Lucena Police sa Sia Reyes Petron gasoline station matapos makatanggap ng ulat mula sa operator ng gasolinahan na may nagaganap na nakawan sa naturang establisimyento.
STAR/ File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng tatlong empleyado ng isang gasoline station at ang live-in partner ng isa sa kanila matapos umano nilang  pagnakawan ang mismong pinagtatrabahuang gasolinahan sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni PCol. Ledon Monte, Quezon Police Provincial Office (QPPO) director, nagsagawa ng surveillance operation dakong alas-10:00 ng gabi ang mga tauhan ng Quezon Provincial Intelligence Unit at Lucena Police sa Sia Reyes Petron gasoline station matapos makatanggap ng ulat mula sa operator ng gasolinahan na may nagaganap na nakawan sa naturang establisimyento.

Ayon kay PLt. Ruben Ballera Jr., chief of police ng Lucena City, sumasalisi umano sa pagsasalin sa container ang mga empleyadong sina Shara Joy Baylor, 28, kahera; Billy Joe Valencia, 32, at Mark Joseph Beltran, kapwa mga pump attendant habang maraming kustomer.

Natukoy ng pulisya na ang kalive-in ni Shara Joy na si Anthony Lachica ay kasabwat sa pagnanakaw ng gasolina na ikinakarga sa isang e-bike.

Nakumpiska sa mga suspek ang 133 litro ng gasolina na nagkakahalaga ng higit P9,000.

Nahaharap sa kasong qualified theft ang tatlong empleyado habang theft naman ang kaso ng kanilang kasabwat.

Show comments