CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Arestado ang isang notoryus na tulak matapos na malambat sa isinagawang anti-drug operation at makumpiskahan ng halos isang milyong pisong halaga ng suspected shabu kahapon ng madaling araw sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
Kinilala ni PCol. Ledon Monte, director Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang nadakip na suspek na si Khristian Joy Abenojar Medina alyas “Tigas”.
Isinagawa ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na pinamumunuan ni PMaj. Milo Tabernilla ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-3:10 ng madaling araw.
Aabot sa 135 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P918,000 ang nakumpiska buhat sa suspek kasama na ang isang belt bag, isang P1,000 marked money at 9 piraso ng P1,000 boodle money.
Nakapiit na sa lock-up jail ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.