^

Probinsiya

Notoryus na tulak arestado sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Arestado ang isang notoryus na tulak matapos na malambat sa isinagawang anti-drug ope­ration at makumpiskahan ng halos isang mil­yong pisong halaga ng suspected shabu kahapon ng mada­ling araw sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Kinilala ni PCol. Ledon Monte, director Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang nadakip na suspek na si Khristian Joy Abenojar Medina alyas “Tigas”.

Isinagawa ng mga ope­ratiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) na pinamumunuan ni PMaj. Milo Tabernilla ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-3:10 ng madaling araw.

Aabot sa 135 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P918,000 ang nakumpiska buhat sa suspek kasama na ang isang belt bag, isang P1,000 marked money at 9 piraso ng P1,000 boodle money.

Nakapiit na sa lock-up jail ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

QPPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with