Chinese na wanted, nalambat sa Cavite
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang Chinese national na wanted sa apat na bilang ng estafa sa isinagawang warrant operation ng pulisya kahapon sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.
Hindi na nakapalag pa ang suspek nang posasan ng mga pulis na nakilalang si Chen Shangyou, nakatalang most wanted person na rank #2 sa city level at residente ng nasabing lugar.
Sa ulat ng pulisya, alas-10:50 ng umaga nang ilatag ang pagtugis sa akusado ng Dasmariñas City Police bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Barry Boy Ariola Salvador, ng Regional Trial Court, Branch 52, Manila para sa kasong 4 counts ng estafa
Hindi na nakapalag pa ang nasabing dayuhan nang dakmain ng mga pulis.
- Latest