PNP ambulance vs motorsiklo: Sekyu dedo

Kinilala ang nasawi na si Raymond Bañez matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo dahil sa malakas na impact ng pagkakasalpok sa kasalubong na ambulansya.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MORONG, Bataan, Philippines — Dead-on-arrival sa pagamutan ang isang security guard matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa ambulansya ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) kahapon ng umaga sa barangay Sabang ng bayang ito.

Kinilala ang nasawi na si Raymond Bañez matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo dahil sa malakas na impact ng pagkakasalpok sa kasalubong na ambulansya.

Nagtamo naman ng sugat sa binti ang drayber ng ambulansya na si Patrolman Ambrocio Dela Cruz Jr.

Ayon sa ulat nangyari ang insidente bandang alas-10:45 ng umaga na kung saan ay binabaybay ng nasawing biktima ang kalsada sa nasabing lugar patungong Olongapo City.

Habang patungo naman ng kabayanan ng Morong ang ambulansya na minamaneho ni Dela Cruz.

Ayon naman sa ilang nakasaksi, kapwa binabagtas ng dalawa ang magkasalungat na direksyon nang pagdating sa nasabing lugar ay sinakop umano ng motorsiklo ang kabilang kalsada kung saan paparating naman ang ambulansya sanhi ng kanilang banggaan.

Show comments