16-anyos timbog sa P102K shabu

CAVITE, Philippines —  Arestado ng pulisya ang 16-an­yos na binatilyo matapos makuhanan ng nasa P102,000 na halaga ng shabu sa inilatag na buy-bust ope­ration kamakalawa ng gabi sa Brgy. H2, Dasmariñas City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alias “Pangga”, ng Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite at kabilang sa “street drug watchlist” ng pulisya.

Sa ulat, alas-7:15 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Drug Enforcment Unit-Cavite PPO at Dasmariñas City Police ang buy-bust opration laban sa binatilyo.

Narekober sa suspek ang 4-selyadong plastic sachet na naglalaman ng mahigit 15 gramong shabu na nagkakahalaga ng P102,000; isang pulang Yamaha Mio motorcycle na gamit ng suspek sa illegal na transaksyon at ang buy-bust money na ginamit ng pulisya sa operasyon.

Show comments