^

Probinsiya

Babae hinoldap sa gitna ng online ‘live selling’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Babae hinoldap sa gitna ng online �live selling�
Makikita sa isang vi­deo na dakong ala-1 ng hapon nang pasukin ng isang lalaki na naka-helmet ang bahay ng online seller na si Agnes Serafica sa kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang babaeng online seller ang pinasok at hinoldap sa loob mismo ng kanyang bahay habang nasa kalagitnaan ng kanyang “live stream selling” sa Laguna.

Makikita sa isang vi­deo na dakong ala-1 ng hapon nang pasukin ng isang lalaki na naka-helmet ang bahay ng online seller na si Agnes Serafica sa kanyang bahay sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa live video ni Serafica, bigla na lamang pumasok ang lalaki at itinaob ang cellphone ng biktima na ginagamit sa live selling at saka tinutukan ng baril ang biktima. Dahil dito, napilitang dumapa ang biktima.

Ayon kay Serafica, hinihingi ng suspek ang kanyang mga pera subalit wala siyang maibigay kaya alahas ang kinuha.

May kasabwat na nagbabantay sa pinto ng bahay at mabilis na tumakas ang dalawa sakay ng motorsiklo matapos matangay ang pitong alahas at ang cellphone na ginamit sa live selling.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga ng lahat ng mga natangay sa biktima.

Sumuko na sa mga awtoridad ang mga suspek at napag-alamang kapitbahay lamang ng biktima ang isa sa kanila base sa imbestigasyon ng pulisya.

Ayon kay Police Lt. Col. Dwight Fonte, Jr., hepe ng Sta. Rosa City Police Station, madalas daw kakwentuhan ng ama ng biktima ang isa sa mga suspek at dito nagsimulang pag-interesan ng mga suspek ang kanyang anak. — Matthew Gabriel

vuukle comment

CRIME

HOLDUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with