Mister naburyong: 3 kapamilya minasaker!

Kinilala ang mga biktima na natagpuang naliligo sa sariling dugo na sina Marie Sampang, misis ng suspek; apo na si Reign Sampang (Quintin), 11 anyos, at pinsang si Rosita Velasquez, 70-anyos.

Hiniwalayan ng 60-anyos na misis

LIMAY, Bataan, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang 60-anyos na misis at dalawang miyembro ng kanyang pamilya matapos imasaker ng kanyang 35-anyos mister na hindi matanggap ang kanilang paghihiwalay sa loob ng kanilang tahanan sa Yakal Extension, Lower Duale ng bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na natagpuang naliligo sa sariling dugo na sina Marie Sampang, misis ng suspek; apo na si Reign Sampang (Quintin), 11 anyos, at pinsang si Rosita Velasquez, 70-anyos.

Agad namang naaresto ng awtoridad ang suspek na si Arvin Quintin, na nahaharap sa patung-patong na kaso.

Ayon sa pulisya, labis na ikinagalit ng suspek ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis kung kaya dito na siya naburyong at naisagawa nito ang karumal-dumal na krimen sa pagitan ng alas-dose ng hatinggabi hanggang ala-una ng madaling araw.

Nakita umano ni Basilio Velasquez, anak ni Rosita na pinasok ng suspek ang bahay ng mga biktima subalit ipinagwalang-bahala lamang niya ito at umuwi na sa kanilang bahay.

Gayunman, bandang alas-10 ng umaga kinabukasan nang bumalik si Basilio sa bahay ng mga biktima at laking gulat nito nang bumulaga sa kanya ang mga nakahandusay na mga biktima at tadtad ng mga saksak sa katawan.

Mabilis namang nagkasa ng manhunt operation ang pulisya at naaresto ang suspek sa pinagtataguan nito sa Lubao, Pampanga.

Show comments