Sundalo bulagta sa ‘agaw-motor’ attack

Sa pahayag nitong Biyernes ni Major Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, galing sa kanilang detachment sa Pikit, Cotabato ang biktimang si Pfc. John Ian Delgado Castor ng 90th Infantry Battalion, nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklong nakabuntot sa kanya habang nasa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Kayaga sa naturang bayan.

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad ang isang sundalo makaraang barilin ng dalawang lalaki bago tinangay ang kanyang motorsiklo nitong gabi ng Huwebes sa bayan ng Kabacan sa probinsya ng Cotabato.

Sa pahayag nitong Biyernes ni Major Maxim Peralta, hepe ng Kabacan Municipal Police Station, galing sa kanilang detachment sa Pikit, Cotabato ang biktimang si Pfc. John Ian Delgado Castor ng 90th Infantry Battalion, nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklong nakabuntot sa kanya habang nasa isang bahagi ng Cotabato-Davao Highway sa Barangay Kayaga sa naturang bayan.

Tama ng bala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang ikinamatay ni Castor, ayon sa mga imbestigador ng Kabacan Police na nagresponde sa insidente.

Itinayo ng isa sa dalawang suspek ang natumbang motorsiklo ni Castor, sinakyan at pinaharurot patungo sa hindi kalayuang bayan ng Montawal na nakasunod sa kasama na sakay din ng motorsiklo at patungo sa naturang direksyon.

Ayon kay Brig. Gen. Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, may indikasyon na pag-agaw sa motorsiklo ni Castor ang motibo ng mga suspects sa pagpatay sa kanya.

Show comments