3 timbog sa P1.2 milyong drug bust sa Bulacan

BALIWAG City, Bulacan, Philippines — Arestado ang tatlong indibid­wal kabilang ang isang pilay na nahulihan ng P1,224,000.00 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Tangos ng nasabing lungsod kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ni Bulacan Police director P/Col. Relly Arnedo ang mga suspek na sina Elmer Groyon, 59; Aries Inovero, 42, kapwa residente sa bayan ng San Rafael; at Marlon Paguigan ng Baliwag City.

Sa report, alas-12:15 ng tanghali nang ikasa ang operasyon ng Bulacan Provincial Intelligence Unit katuwang ang Baliwag police.

Nabilhan ang tatlong suspek ng isang medium-sized sachet na pinaghihinalaang shabu ng police poseur buyer kaya agad silang ina­resto.

Nakumpiska ang walo pang medium-size heat sealed sachets, limang large-size knot-tied ice bags na kapwa naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 180 grams, may halagang P1,224,000.00 at buy-bust money.

Show comments