Trike at bahay inararo ng truck:3 patay!

Sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) director PCol. Ledon Monte, namatay agad sa pinangyarihan ng road crash ang driver ng Elf truck na si Romulo Matutino Carona alyas “Dondon”, 44, may-asawa gayundin ang may-ari ng sinalpok na bahay na si Thomas Arbiso Villanueva, 69, biyudo, at kanyang manugang na si Jerrylyn Perez Villanueva, 29, may-asawa; pawang residente ng Brgy. Sta. Lucia, Dolores, Quezon.
STAR/File

LUCENA CITY –, Philippines —Tatlo katao ang patay kabilang ang truck driver habang dalawa pa ang sugatan matapos araruhin ng rumaragasang Elf truck ang isang tricycle at isang bahay sa tabing highway ng Dolores sa lalawigan ng Quezon, kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) director PCol. Ledon Monte, namatay agad sa pinangyarihan ng road crash ang driver ng Elf truck na si Romulo Matutino Carona alyas “Dondon”, 44, may-asawa gayundin ang may-ari ng sinalpok na bahay na si Thomas Arbiso Villanueva, 69, biyudo, at kanyang manugang na si Jerrylyn Perez Villanueva, 29, may-asawa; pawang residente ng Brgy. Sta. Lucia, Dolores, Quezon.

Isinugod naman sa San Pablo Medical Center dahil sa mga tinamong mga sugat sa katawan ang mga biktimang sina Lito Roxas Vergara, 43, binata, at William Magilimon Enriquez, 42, tricycle driver; kapwa residente ng Barangay Bulakin, Tiaong, Quezon.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:10 ng umaga habang minananeho ni Carona ang Elf truck na may plakang TEX 644 at bumabagtas patungong Poblacion nang agawin umano nito ang kabilang linya ng highway hanggang sa banggain ang kasalubong na top down tricycle na minamaneho namn ni Enriquez.

Matapos na masalpok ang tricycle, dire-diretsong sinuwag ng truck na may kargang mga construction materials ang bahay ng pamilya-Villanueva kung saan ang matandang Villanueva at manugang ay nag-uusap lang sa kanilang terrace. — Ed Amoroso at Doris Franche-Borja

Show comments