MANILA, Philippines — Mahigit 200 kabahayan ang nilamon ng apoy habang dalawang katao ang nasa kritikal na kondisyon matapos sumiklab ang malaking sunog sa lungsod na ito noong Sabado ng gabi.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang sunog sa Sitio Asinan, Barangay Kasanyangan.
Ayon kay Kasanyangan Barangay Chairman Abdul Aziz Hanapi, nagsimula ang apoy sa bahay na pag-aari ng isang “Jane” kasunod ng electrical spark at mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay na halos magkakadikit.
Mabilis na nagpadala ang BFP ng kanilang mga fire trucks katuwang ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO).
Gayunman, nahirapan ang mga pamatay sunog na makalapit sa lugar kung saan napakataas na ang apoy dahil na rin sa kawalan ng mga madadaanan dahil makakapunta lamang sa lugar gamit ang makeshift wooden foot bridges na para sa isa o dalawang tao lang ang maaaring tumawid.
Sinabi ni Hanapi na dalawa katao na nagtangkang tumulong na maapula ang apoy at sa paglilikas ng mga residente, ang malubhang nasugatan nang aksidenteng maapakan nila ang live wire na nakalapat sa lupa.
Sa pagtaya ng bureau and village officials, nasa 200 bahay na gawa sa mahihinang materyales ang naabo at tinatayang nasa 1,500 indibiduwal ang naapektuhan sa sunog.
Nagbigay na ng direktiba si Hanapi Mayor John Dalipe city social welfare office to assist the fire victims with food and relief goods and set up a temporary evacuation center.