^

Probinsiya

Lady ‘ponzi scammer’ inaresto sa Baguio City

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Isang babae na hinihinalang scammer ang inaresto dahil sa pambibiktima ng apat katao na pinangakuan umano nito ng malaking interes sa“ponzi scheme” sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad noong Sabado, dito sa lungsod.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte rito, dinakip ng mga operatiba ng Regional Anti-Cyber Crime Unit-Cordillera (RACU-COR) ang 39-anyos na babaeng suspek na hindi pa pinangalanan makaraang maispatan sa loob ng isang mall noong Sabado ng hapon.

Ang babaeng scammer ay nakatala bilang Number 1 Top Most Wanted Person ng RACU-COR ng 2nd Quarter ngayong taon at nasa kustodya na ng RACU-COR.

Ang pagdakip sa suspek ay kasunod sa pagdulog sa tanggapan ng RACU ng apat na residente ng Pacdal na nabiktima umano ng ponzi scam.

Sa imbestigasyon, kinumbinsi umano ng suspek ang mga biktima na mag-invest ng pera at pinangakuan nito ng mala­king interes na umaabot sa 20-40 percent.

Nakakuha umano ang suspek sa mga biktima ng pera sa pamamagitan ng GCash at bank transfer mula Marso hanggang Hulyo 2022.

Lumalabas na matapos makapagbigay ang apat na biktima ng kabuuang halaga na ?877,067 ay hindi na makontak ang suspek sa kanyang FB messenger, Facebook page at mobile number.

SCHEME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with