Lucena City, Philippines — Arestado ang dalawang notoryus na tulak ng iligal na droga, isa dito ay babae matapos na sila ay malambat sa anti drug operation at makumpiskahan ng mahigit P300,000 halaga ng suspected shabu kamakalawa ng gabi sa Purok San Lorenzo, Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.
Kinilala ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) director Col. Ledon Monte ang mga nadakip na sina Kimberly Jaqueca alyas “Kim”,23, ng Purok Masagana, Barangay Cotta, Lucena City at kasamang Melchor Barrios ng Purok San Lorenzo, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa buy-bust operation na isinagawa bandang alas-9 ng gabi sa mga suspek ang iligal na droga na nasa 7-plastic sachet at tumitimbang ng 16.3 gramo at nagkakahalaga ng P332,520.00.
Nakuha rin sa pag-iingat ng mga suspek ang 10 piraso ng P500 boodle money at isang P500 bill na ginamit na pambayad sa droga ng nagpanggap na poseur buyer na pulis.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2022 ang mga suspek.