^

Probinsiya

Paghuli sa overloaded trucks sa Bulacan, paiigtingin – Governor. Fernando

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Mahigpit na ipinatutupad nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.

Ipinaalala ni Fernando sa daan-daang stakeholders na dumalo kabilang ang haulers, may-ari ng processing plants, quarry permittees at operators sa Bulacan na sundin ang mga batas tulad ng Panlalawigang Ordinansa C-005 at Panlalawigang Ordinansa 64-2018 at iba pa upang maiwasan ang pagharap sa mga multa at parusa kaugnay ng pagkasira ng imprastraktura at kapaligiran.

“Hinihiling ko po sa inyong lahat na sumunod kayo sa itinakdang regulasyon. Gawin po natin legal ang ope­rasyon at naaayon sa batas para hindi na rin po kayo maabala. At ‘yung mga mahuhuli na hindi tumatalima, harapin din po ninyo ang karampatang parusa para sa inyong nagawang paglabag,” ani Fernando.

Tinalakay naman ni Abgd. Julius Victor Degala, pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office, ang laganap na isyu sa excessive volume o labis na mga karga ng in-transit vehicles na nakasisira ng pampublikong kalsada.

Aniya, ang pinapayagang volume o bigat ay depende sa quarry materials hauled (20-24 cu.m. o MT na nakalagay sa Delivery Receipt hanggang sa maximum nito na 28 cu.m. o MT bilang konsiderasyon) at ang karga ay dapat nasa orihinal na sidings at mayroong takip.

Binigyang-diin din ni Degala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong dokumento kapag nagbibiyahe ng mga karga tulad ng mga mineral o produkto ng quarry na nakalagay sa Delivery Receipts (DR) at Transport Slips (TS) upang makadaan sa publikong kalsada sa lalawigan.

Ipatutupad rin ang nasabing regulasyon sa ibang mga trak mula sa malalapit na probinsya na nanga­ngailangang dumaan sa Bulacan patungo sa kanilang destinasyon.

DANIEL FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with