Boy Scouts binayo ng ulan sa camping site, inilikas
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Pinasalamatan ng mga kaanak ang mabilis na paglikas ng mga awtoridad sa grupo ng Boy Scout delegates mula sa bayan ng Bulakan matapos silang bayuhin ng malakas na ulan habang nasa camping site sa bayan ng Norzagaray sa lalawigang ito nitong Huwebes.
Ayon kay Konsehal Benjo Cruz, pinasalamatan nila si Bulakan Mayor Vergel Meneses at Dr. Rey Gloria sa mabilis na pagresponde ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) rescuers at Bulakan Police sa mga delegado.
Aniya, lumakas ang ulan na umabot sa camping site kaya kailangang ilikas ang mga bata para sa kanilang kaligtasan at ito’y prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Bulakan.
- Latest