Coast Guard nasagip 7 katao sa paglubog ng bangka sa Occidental Mindoro
MANILA, Philippines — Nasaklolohan ng Philippine Coast Guard ang nasa pitong indibidwal matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorbanca sa vicinity waters ng San Jose, Occidental Mindoro nitong Miyerkules.
Kahapon nang lumubog ang naturang sasakyan sa pagitan ng White Island at Baranggay Pag-asa mula Calintaan nang sumagupa sila sa malalaking alon.
"The SAR team headed by San Nicolas Barangay Captain Oliver Jaranilla rescued five passengers of the half-submerged motorbanca," sabi ng Coast Guard kanina ngayoong Biyernes.
"The PCG and Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) jointly conducted search and rescue (SAR) operations and ensured the safety of the last two passengers."
Kabilang sa mga nasagip ang mga sumusunod, na pare-parehong residente ng Occidental Mindoro:
- Bryan Mark Verden, 18-anyos
- Rolan Tadia, 16-anyos
- Niko Vinloan, 18-anyos
- Mark Gonzales, 15-anyos
- Martin Jacob, 12-anyos
- Erick Naldo, 21-anyos
- Arvin Padua, 25-anyos
Tinow naman ng search and rescue team ang naturang motorbanca, na noo'y half-submerged na, patungo sa pangpang ng Baranggay Pag-asa sa San Jose pagkaraang matiyak na nasa mabuting lagay ang mga nasaklolohang pasahero. — James Relativo
- Latest