Bokal, 1 pa dedo sa road mishap sa Isabela
Barangay tserman sugatan
MANILA, Philippines — Dalawa ang patay kabilang ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng San Mateo, Isabela habang sugatan ang kanilang kasamang barangay chairman matapos na maaksidente ang sinasakyan nilang kotse sa Cabatuan, Isabela kahapon ng umaga.
Kinilala ang mga nasawi sina Bokal Michael Angelo Ramones at si Mario Acupan, isang barangay peacekeeping action team member.
Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang isa pang kasamahan ng mga nasawi na si Sonny Baysa, isang barangay chairperson.
Lumilitaw sa pagsisiyasat na tinatahak ng kotse ni Ramones ang kalsada ng Barangay Saranay papuntang sentro ng Cabanatuan at nang makarating umano sa kurbadang bahagi ng kalsada ay sumalpok ito sa konkretong perimeter fence at nawalan siya ng kontrol sa manibela.
Naitakbo pa sa ospital ang mga biktima subalit hindi na rin naisalba pa ng mga doktor ang dalawa.
- Latest