Lola nalunod sa isang palangganang tubig!

MANILA, Philippines — Isang 65-anyos na lola ang namatay nang aksidenteng malunod sa isang palangganang tubig nitong Biyernes sa Sitio Core Housing, Brgy. Bagong Bayan, Mauban, Quezon.

Batay sa ulat ng pulisya, natagpuang nakalubog ang ulo sa tubig at nakahandusay ang biktima na kinilalang si Lerma Ambon.

Posible namang inatake umano ng epilepsy ang biktima kaya luma­labas sa imbestigasyon na walang “foul play” sa pangyayari.

Nasa Municipal Health Office na ang bangkay ng lola para sumailalim sa autopsy.

Show comments