^

Probinsiya

P3.9-bilyong naabo sa nasunog na high-rise condo sa Cebu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P3.9 bilyon ang halaga na naabo sa 9 na oras na sunog na tumupok sa isang high rise condominium sa Brgy. Casambagan, Cebu City nitong Biyernes.

Sa report ni Bureau of Fire Protection (BFP) Central Visayas (BFP7) Chief P/Supt. Reynaldo Enoc, ang sunog ay nagsimula sa 37th floor ng Grand Residences Tower 4 na matatagpuan sa kahabaan ng M.J. Cuenco Avenue, Brgy. Kasambagan bandang alas-2:40 ng hapon.

Ang ng sunog ay hinihinalang sanhi ng pagwe-welding ng roof deck ng nasabing condominium na mabilis na kumalat sa uti­lity pipes mula sa mataas na bahagi pero patuloy pa itong iniimbestigahan.

Nahirapan naman ang mga bumbero na maa­pula ang sunog dahil ang kanilang hagdan ay hanggang 18th palapag lamang sa gusali.

Sinabi ni Enoc na ang ikapitong palapag na dapat ay parking, ay ginamit na imbakan ng mga pintura at iba pang mga combustible materials o mga madaling masunog habang ang Tower 4 ng condominium ay kasalukuyang sumasailalim sa konstruksiyon nang mangyari ang sunog.

Sa pagtaya, nasa P3,981,600,000 ang na­ging pinsala sa nangyaring sunog.

FIRE

INCIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with