Batang babae isinilid sa bag, itinapon sa dagat!

Habang nakabalot ng kumot

OLONGAPO CITY, Philippines — Natagpuang nakasilid sa isang travelling bag ang bangkay ng batang babae kahapon ng hatinggabi sa Brgy. Lower Kalaklan ng bayang ito.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, isang mangi­ngisda ang nakadiskubre sa nasabing bangkay na palutang-lutang sa tubig na nasa loob ng kulay asul na bag.

Nang buksan ay ganun na lamang ang pagkagulat nang tumambad sa kanila ang isang bangkay ng batang babae. Umeedad umano ng 5-7 anyos ang biktima, may kapayatan at ibinalot pa ng kumot ang naturang bangkay.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Nanawagan din sila sa publiko sa posibleng nakakita sa insidente na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.

Show comments