MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nasagip ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) ang isang batang Philippine scops owl sa Sitio Manggahan, Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria, Bulacan matapos makatanggap ng tawag kahapon mula kay Eliza Bazco, isang concerned citizen.
Tinatayang may taas na anim na pulgada ang nasabing scops owl at tumitimbang ng 700 gramo.
Ayon sa pinuno ng BENRO na si Julius Victor Degala, itinuturing na isang endemic species sa Pilipinas ang nasagip na scops owl o kuwago.
Hinihikayat din ni Degala ang publiko na agarang ipagbigay-alam sa mga awtoridad ang ganitong insidente ng wildlife capture.
Agad ring na-iturn over ang kuwago sa Community Environment and Natural Resources Office sa Guiguinto, Bulacan.