4 ‘wanted’ sa Zambales, nalambat

SUBIC, Zambales, Philippines — Arestado ang apat na wanted persons sa lalawigang ito sa ikinasang magkakasunod na operations ng mga otoridad, kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, hindi na nakapalag pa si Enrico Macabenta, isa umanong most wanted person sa  Subic,  nang ihain ng pulisya sa kanya mula sa tinitirhang bahay nito ang warrant of arrest para sa kasong child abuse na may piyansang P200,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan at isa pang kaso na unjust vexation.

Kaunsod nito, arestado pa ang tatlong wanted persons sa Zambales na sina Edmar Mones at Jayson na may mga kasong statutory rape at Lloyd Guevarra na may kasong robbery.

Nakapiit na sa himpilan ng pulisya ang mga dinakip na suspek para sa kaukulang disposisyon.

Show comments