MANILA, Philippines — Dalawang high value individuals (HIVs) na sangkot sa illegal drugs trade ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Cristobal, San Pablo City, Laguna, kamakalawa ng alas-8:17 ng gabi.
Kinilala ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang mga suspek na sina Michalle Sarmiento at Edrian Pecayo na nakumpiskahan ng 15 gramo ng isang pulis na nagpanggap na buyer nang tanggapin ang P30,000.
Nakuha rin ang tatlong malalaking plastic bags ng hinihinalang “shabu” na may timbang na 400 gramo at estimated street value na P2.72 milyon.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Pablo CPS ang mga suspek at nahaharap sa drug charges.Habang isinumite naman ang mga ebidensya sa crime laboratory para sa forensic examination.
Sinabi ni Laguna PPO Director Colonel Randy Glenn G. Silvio na galing Metro Manila ang drug, partikular sa Parañaque City, at dumayo sa probinsya para magbenta ng iligal na droga.