^

Probinsiya

Mister nabale ang leeg sa hilot, tepok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

POLANGUI, Albay, Philippines — Sa halip na gumin­hawa­­ ang pakiramdam sa na­raramdamang pa­na­na­kit ng kasu-kasuan, isang 54-anyos na mister ang nasawi matapos­ mabali ang leeg nito nang hilutin ng pinagdalhang manghihilot sa Brgy. Basud, Polangui, Albay.

Sa Tondo Medical Center sa Brgy. Balut, Tondo, Manila idineklarang patay makaraan ang ilang linggong nasa comatose status ang bik­timang kinilalang si Ferdie Conserva Pelonia, re­sidente ng Brgy. Pistola, Oas, Albay.

Inihahanda na ang kasong nakatakdang isampa sa “hilot doctor” na si Chong Tian Liao, ng Brgy. Gabon, Polangui, Albay matapos pormal nang magsampa ng reklamo sa Polangui Police ang mga kaanak ng biktima, kamakalawa.

Sa ulat, dakong alas-10 ng umaga noong Nob­­­yembre 1 ay dinala ng kanyang misis ang bik­tima kay Liao para ipagamot ang nananakit na katawan.

Gayunman, nasobra­han ang pagpihit ng suspek sa ulo ng biktima dahilan para mawalan­ ito ng malay-tao at bu­magsak sa sahig.

Isinugod ang biktima sa Josefina Belmonte Duran Memorial Albay Provincial Hospital sa Ligao City pero agad dinala sa Tondo Medical Center dahil sa kritikal na kondisyon. Makaraan ang ilang linggo ay tulu­yang nasawi sa pagamutan ang biktima dahil umano sa “nuerogenic shock, spinal cord injury.”

LEEG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with