^

Probinsiya

Gumaca, Quezon idineklarang ‘insurgency free’

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Idineklara ng pulis, militar ang bayan ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon ay hindi na sinasakop ng communist rebels.

Pinangunahan ni Gumaca Mayor Webster Letargo P/Col. Ledon Monte, Quezon police director at Department of Interior and Local Government 4A Ariel Iglesia, ang pagpirma sa Memorandum of Understanding na nagdedeklara na ang bayan ng Gumaca na insurgency free bilang bahagi ng deklarasyon ng lugar na may Stable Internal Peace and Security (SIPS)or SIPS.

Ayon kay Col. Monte na wala nang insidente ng harassment at mga terroristic attack sa halos isang dekada at ang lahat ng 59 barangay ay nagdeklara sa communist rebels bilang persona non grata.

Nagpalabas din si Mayor Letargo ng Executive Order No. WDL.01-03-2023, na nag-uutos ng mekanismo para sa promosyon ng localized peace engagement at marami pang bayan sa lalawigan ang maging ganap nang malaya sa mga gawain ng komunista.

Noong nakalipas na taon ang bayan ng Macalelon ay idineklarang insurgency free.

COMMUNIST REBELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with