Architect binistay ng bala sa Cavite ambush

Ang nakalugmok na bangkay ng isang architect na si Christian “Pongz” Sidlacan matapos tambangan habang lulan ng kaniyang SUV sa Brgy. Malabag, Silang, Cavite nitong Sabado ng tanghali.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Patay agad ang isang architect matapos siyang tadtarin ng bala sa loob ng kanyang SUV ng mga ‘di nakilalang salarin sa naganap na ambush sa kahabaan ng Barangay Malabag, bayan ng Silang, dito kahapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian “Pongz” Sidlacan, nasa hustong gulang residente, at residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Christopher Olazo, alas-12 ng tanghali habang sakay ang biktima ng kulay gray Toyota Fortuner na may plakang NQL 893 at bumabastas sa nasabig lugar nang dikitan siya ng mga ‘di pa kilalang salarin at pagbabarilin.

Ang biktima ay kila­lang Architect sa lungsod ng Dasmariñas kung saan ito naninirahan.

Sa kasalukuyan ay wala pang malinaw na motibo sa naganap na pamamaslang.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman ba ito sa trabaho ng biktima o may iba pang anggulo sa naganap na insidente.

Show comments