3 bagets arestado sa pagkatay sa bading na guro sa Isabela

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Dina­kip ang tatlong menor-de-edad matapos masangkot umano sa pagkamatay ng isang guro na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community sa bayan ng Balleteros ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Adan, 17; Abel, 15, at Cain, 15; pawang residente ng Centro sa bayan ng Abulug.

Nakilala naman ang napaslang na biktima na si Kent Bryle Misador, 25, residente ng Brgy. Linao mula sa bayan ng Aparri.

Unang natagpuan ang nakahandusay na biktima na may 8 saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan sa lansangan ng Brgy. Sta Cruz, Ballesteros dakong alas-11:00 ng gabi nitong Linggo.

Kamakalawa ng madaling araw ay nadakip ng pulisya ang tatlong suspek matapos ma­kilala batay sa palitan ng mensahe na nakita sa cellphone ng biktima.

Nasa pangangalaga ngayon ng pulisya ang mga menor-de-edad na mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong murder.

Show comments