Higanteng Christmas lantern ng Olongapo City Hall nagliyab
OLONGAPO CITY, Philippines — Nasunog ang isang malaking Christmas lantern na nakadisplay sa mismong harapan ng Olongapo City Hall, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6 ng gabi nang biglang magliyab ang naturang parol at nagsimulang lumaki ang apoy.
Mabilis namang nakaresponde ang mga kagawad ng pamatay sunog at kaagad na naapula ang apoy bago pa man madamay ang gusali ng city hall.
Ayon kay Mayor Rolen Paulino Jr., posibleng faulty electrical wiring ang sanhi ng pagsiklab ng apoy.
Gayunpaman ay ipinag-utos ng alkalde ang mas malalim na imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng sunog.
Bunsod ng pangyayari, ipinag-utos din ni Paulino na idouble check ang electrical system ng city hall upang makaiwas sa pagkasunog ang kanilang gusali.
- Latest