Victory Liner bus salpok sa puno: Kundoktor, beybi dedo

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima.
STAR/ File

Dahil sa sumabog na gulong  

BAGUIO CITY , Philippines —  Patay ang kundoktor at isang sanggol habang 15 katao pa ang sugatan nang sumalpok sa ma­laking puno ng Acacia ang isang bus ng Cubao-bound Victory sa may tabi ng national highway sa Sitio Ambiongan, Barangay Cares sa Pugo, La Union kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, kasalukuyan pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasawing biktima.

Lumalabas na dakong alas-11 ng umaga nitong Martes nang maganap ang insidente.

Nawalan umano ng kontrol ang driver sa manibela nang biglang sumabog ang isa sa mga gulong ng bus habang bumabagtas sa natu­rang lugar at tuluy-tuloy na sumalpok sa mala­king puno ng Acacia sa tabi ng highway.

Ang bus conductor na hindi pa inilalabas ang pangalan ay na-sandwich o naipit ng pintuan ng bus at unahang bahagi ng bus na sanhi ng kanyang kamatayan.

Nasa 15 pasahero na nasugatan ang isinugod sa Rural Health Unit ng Pugo at  La Union Medical Center habang ang ibang nagtamo ng bahagyang sugat ay dinala sa Pugo Covered Court.

Ang nasabing bus ay umalis sa Baguio City bandang alas-9:30 ng umaga.

Show comments