9 mangingisda nilamon ng dagat, pinaghahanap

Kinilala ang mga nawa­wala na sina Noel Zafe, nasa hustong gulang; Dante David, 41; Arnel Araojo, 43; pawang taga-Brgy. Palnab, Virac, Catanduanes; Domingo Borilla, 33, at Jason Mandasoc, 31; pawang residente ng Brgy. San Vicente ng naturang bayan; Willy Ralf De Leon Uchi, 35; Jua­nito Torregosa, 51; Ringo Ogale Tupig, 37, at Jobert Gianan Teaño, 33, pawang residente ng Brgy. Buenavista, Viga ng nasabi ring lalawigan.
STAR/ File

VIRAC, Catanduanes, Philippines — Siyam sa 10 mangingis­da ang pinaghahanap ng binuong search and rescue team matapos na pumalaot at mawala sa gitna ng karagatan dahil sa masungit na panahon sa lalawigan ng Catanduanes.

Kinilala ang mga nawa­wala na sina Noel Zafe, nasa hustong gulang; Dante David, 41; Arnel Araojo, 43; pawang taga-Brgy. Palnab, Virac, Catanduanes; Domingo Borilla, 33, at Jason Mandasoc, 31; pawang residente ng Brgy. San Vicente ng naturang bayan; Willy Ralf De Leon Uchi, 35; Jua­nito Torregosa, 51; Ringo Ogale Tupig, 37, at Jobert Gianan Teaño, 33, pawang residente ng Brgy. Buenavista, Viga ng nasabi ring lalawigan.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-8 ng umaga noong Disyembre 21 lulan ng kulay blue at pink na motorized banca na may marking na “Morning Suns,” pumalaot para ma­ngisda sina Uchi, Torregosa, Tupig at Gianan.

Alas-9 ng umaga, sunod namang pumalaot lulan ng dalawang motorized banca na kulay yellow at maroon sina Zafe, David, Araojo, Borilla, Mandasoc at isang Norman Lim, 33-anyos, residente ng Brgy. San Roque, Virac.

Lahat sila ay inaasa­hang uuwi noong Disyembre 23, gayunman hanggang kahapon ay hindi na nakabalik ang karamihan ng mga mangingisda maliban kay Lim na natagpuan at nailigtas ng mga residente habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Brgy. Nagcalsot sa islang bayan ng Rapu-Rapu, Albay dakong alas-2 ng hapon, kamakalawa.

Wala pang pahayag mula sa survivor kung anong nangyari sa kanila at nasaan na ang kanyang mga kasamahan. Nasa pangangalaga siya ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Rapu Rapu.

Show comments