MANILA, Philippines — Siyam katao ang sugatan matapos na mahulog sa tulay ang kanilang sinasakyang van sa Tinuba Bridge sa Brgy. Sinubong, Zamboanga City kahapon ng umaga.
Nakilala ang mga sugatan na sina John Gless Arcillas, 22, driver ng van; Fadzrina Pulalon, 17; Mark Alviar, 19; Melanie Alama, 26; Jaylo Agustin, 15; Juric de Leon, 24; Nathaniel German, 3; Michael German, 24 at Necajane Oris, 22.
Batay sa imbestigasyon, galing ang van sa Brgy. Ayala at tinatahak ang Tinuba Bridge nang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela hanggang sa tuluyang mahulog sa tulay.
Agad na sinaklolohan ang mga biktima ng mga rescuers saka isinugod sa ospital.
Isa sa mga nakikitang dahilan ng aksidente ay kalasingan ng driver na nakatulog umano habang nagmamaneho.