Sekyu natagpuang tigok sa binabantayang lote
MANILA, Philippines — Patay na ng matagpuan ang isang sekyu na nagbabantay sa bakanteng lote sa Tabacuhan extension, Barangay Sta. Rita Olongapo City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala lamang ang biktima sa pangalang “Johnny” na nakitaan umano ng sugat sa kili-kili na posibleng naging kamatayan nito.
Sa impormasyon na nakalap ng isang lalaki ang dumalaw sa biktima, alas-5:00 ng hapon nang madiskubre nito ang naturang bangkay na mabaho na ang amoy at natuyo na ang dugo mula sa katawan ng biktima kung kaya agad nitong ipinagbigay alam sa kinauukulan.
Ayon sa ilang mga kapitbahay ng biktima, nakarinig umano sila sa lugar na tila mayroong nag-aaway na kanilang ipinagwalang bahala.
- Latest