Outing nauwi sa trahedya: 8-anyos nalunod sa pool

CAVITE, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing ng isang pamilya na galing pa ng Makati City makaraang malunod sa swimming pool ang 8-anyos na batang babae sa isang pool sa Villa Excellence sa Sitio Postema, Brgy. Sahud Ulan, Tanza, dito, iniulat kahapon.

Hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima sa pagamutan na nakilalang si Princess Jirah Granada Peruda, estudyante at residente ng Zone 7, Mini Park Makati City.

Sa imbestigasyon, nitong Lunes habang masa­yang nagsu-swimming ang pamilya Peruda at mga kaanak sa Villa Excellence sa pool nang mapansin nilang nawawala na sa kanilang tabi ang batang biktima.

Agad umano nila itong hinanap at natagpuan sa may ilalim ng pool.  Agad nilang iniahon at binigyan ng cardio pulmonary resuscitation (CPR) ng mga rescuers saka itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang patay na.

Show comments