Mariveles, Batan, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng isang babae, habang sugatan ang ka-live in nito matapos silang pagtatagain at pasabugan pa ng dinamita ng kanilang manugang sa Barangay Ipag ng bayang ito, kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Lorna Macayan habang sugatan naman ang kinakasamang si Jonathan Mahinay.
Ayon sa salaysay ni Mahinay, nagpapahinga sila ng kanyang kinakasama nang walang kaabog-abog silang sinunggaban ng manugang na lasing na si Toto Katunda saka pinagtataga.
Bagama’t duguan, nagawa pang makipagpambuno ng lalaking biktima sa suspek.
Kasunod nito ay tumakbo palayo ang suspek na lingid sa kaalaman ng mga biktima ay kumuha pala ng dinamita saka pinasabog katabi ang nasabing biyenang babae na naging dahilan ng kamatayan nito.
Naaresto naman ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.
Nag-ugat ang krimen dahil umano sa matagal nang alitan ng pamilya.