^

Probinsiya

2 lolong driver nagsuntukan, 1 todas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay sa suntok ang isang 68-anyos na tricycle driver mula sa kapwa nito driver makaraang magtalo at magpambuno sa kanilang mismong terminal ng tricycle kahapon sa Barangay 19, Cavite City.

Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Rogelio Guinto Maluto, residente ng #404 Ronquillo St., Brgy. 17, Cavite City.

Naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ang suspek na si Romeo Olores Bautista, 64, at residente ng Hermanos St., Brgy. 44, Cavite City.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Elfe Galit, may hawak ng kaso, alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa terminal ng tricycle sa Mabini St., Barangay 19 kung saan kapwa naroon ang biktima at suspek kasama ang iba pang mga driver.

Nagkasagutan umano ang dalawa na nauwi pa sa murahan at sigawan hanggang sa magpang-abot at nagpalitan ng suntok.

Sa ulo pinagsusuntok ng suspek ang biktima hanggang sa mabuwal ito at mawalan ng malay.

Umalis naman agad ang suspek habang itinakbo ng mga kapwa driver ang biktima sa Bautista Hospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

TRICYCLE DRIVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with